Miyerkules, Oktubre 5, 2011

"Para kay Sir Jayson"

Sir salamat po sa lahat ng mga kaalamang ibinahagi niyo po sa amin.Lagi po naming tatandaan ang mga pangaral niyo sa amin.Sana po sa mga susunod niyo pang mga istudyante ay mas lalong magiging mahusay kayo sa inyong pagtuturo.Ipagpatuloy niyo lang po ang inyong pagiging masayahin at mabait na guro.Maraming salamat po dahil tinanggap niyo kami sa inyong subjek kahit na dumagdag pa kami sa marami niyong estudyante.Salamat po ulit.Belated happy birthday po.God bless po.ingat po kayo palagi sir. SALAMAT PO.

"Ang aking Karanasan sa Filipino 110

Isang magandang karanasan ang hindi ko makakalimutan sa filipino 110.Lahat ng mga tawanan na naibahagi sa bawat isa at sa aming guro.Mga biruang hindi mawawala sa gitna ng leksyon na nagsisilbing ingay sa loob ng klase.Mrami akong natutunan mula sa aking guro na madadala ko mula sa araw na ako'y makatapos.Marami akong hindi makakalimutan g karanasan sa submjek na ito tulad ng mga banat ng aking mga kamag-aral na puro kalokohan na magiging simula ng tawanan.Lahat ng ito ay mananatiling isang masayang ala ala sa aking pananatili sa unibersidad na ito.

"Ang Sining ng aking Pangalan




D -ahil sa iyo, ako ay nagdurusa
-to ngayon ang siyang aking nadarama
A -t sa bawat paglisan, lungkot ang dala
N -gunit  ikaw ang siyang nagbigay  ng saya
A -t maiiwang masayang ala ala. 





Linggo, Setyembre 18, 2011

"Si P-NOY PARA SA MGA PINOY"


Sino nga ba si pinoy?Alam nating lahat na siya ay anak ng dalawang taong naging bahagi ng ating henerasyon.Tumatak sa bawat pilipino ang magandang ginawa ng kanyang magulang.Malaki ang tiwalang ibinigay sa kanyang mag magulang.Ngayon siya naman ang bilang ama bg ating bansa bagamat hindi pa natin ramdam ang ang kanyang pamumuno,umaasa tayo na mapapaunlad niya ang ating bansang naghihikahos.Inihalal siya na bawat pilipino dahil malaki ang tiwala ibingay sa kanya.marapat lamang na iangat ang bansa at tulungan ang bawat pilipino upang makaahon sa kahirapan ang bawat isa sa atin.

Martes, Setyembre 6, 2011

Awit ng aking buhay


Pagsubok ito ang awit na sumasalamin sa aking buhay sapagkat may mga pagsubok sa bawat kabanata ng aking buhay.Sinasabing huwag papadaig sa mga bawat pagsubok na pinagdadaanan.Dapat manatiling matatag sa bawat paroblemang kinakaharap.Sa bawat pagsubok ay may mga napupulot tayong aral.Hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang lahat na aking pangarap para sa akin at sa aking pamiya.

Sampung taon mula ngayon, heto na ako!


Lahat tayo ay may kanya kanyang kapalaran. Nasa sa ating mag kamay kung saan landas ang nais  nating tahakin.Hindi natin masasabi  kung  ano ang magiging kapalaran natin .Sampung taon mula ngayon,ano na nga ba ako?Nais ko ay isa na akong matagumpay sa kursong aking napili.Nakakatuwang na ako ng aking magulang sa paghahanap buhay.May sarili na rin kaming negosyong pinapatakbo,empleyado ng isang kompanya.Nakakatungtong na sa iba't ibang bansa kapiling ng aking mga mahal sa buhay.Iya ang nais ko matapos ang sampung taon.

Linggo, Setyembre 4, 2011

Si Crush



Diana Marie Valdez
 Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang hinahangaan.Ginagawa natin silang inspirasyon sa lahat ng ating ginagawa.Tulad nila mayroon din akong hinahangaan siya ay si Paolo Rico Nepomuceno.Siya ay matalino at mabait .Magaling siyang mag gitara at may pagkapilyo pero mabait.Masayang kasama laging maaasahan.